Welcome!

Welcome to Samot-sari! This blog is written in Taglish (Tagalog English). You can find anything here - mga k'wento, kuro-kuro, comments, recipes, tips, photos, etc., etc., atbp.! And sana... makapagdulot ng kahit kaunting kasiyahan at kapakinabangan sa mga mambabasa... Thank you for stopping by!
Showing posts with label Stories. Show all posts
Showing posts with label Stories. Show all posts

Sunday, May 29, 2011

Naughty

I must admit, may kapilyahan din ako nung bata pa ‘ko! Anyway, all kids are naughty. Kanya-kanya nga lang ng paraan…


I have 2 elder brothers and next to me is also a brother. Ang youngest – yun ang sister! Sabihin pa, in-between ako ng mga boys so I act and play like a boy! Tomboy nga ang tawag sa ‘kin nung bata pa ko. I play guns, swords, tantsing, jolen… I even climb trees, jump from the tree, nagbabaras din, etc.! Kung ano ang games ng brothers ko, yun din ang laro ko. My mother used to call me ‘barako!’

It was late in the afternoon and I noticed my brother heading to the toilet. I guessed he’s going to have a poo. Masyadong matatakutin ang kapatid kong yun. Well, considering he’s too young then, hindi kataka-taka.  Ewan ko ba kung ano’ng pumasok sa isip ko… There is a small hole at the toilet door so I had a peep. I saw him sitting on his legs on top of the toilet bowl, nakapangalumbaba (say mo? dalawang kamay pa ka mo) at umiikot ang paningin sa ceilings… Napangiti ako and I feel like having a good fun! I thought, “I wonder what he is thinking… probably something scary again!” Bigla akong sumigaw ng malakas, “Waaaa!!!” I banged the door and pushed it hard! Muntik nang mahulog sa unidoro ang paa ng brother ko sa gulat at takot! He stand up and cried really loud!

Grabe ang tawa ko! Kaya lang, I end up crying as well… Bakit kamo? Napalo ako ni mother…! ;(

Tuesday, May 24, 2011

My first long pants

I never had a long pants when I was a kid. Well, not until I reached my 6th grade in school. Mayroon kaming field trip noon sa Manila before graduation, and s'yempre pa, mas comfortable ang nakapants sa ganoong occasion. I nagged my father, (mas malakas kasi ako kay papa kaya s'ya ang inuungutan ko) :) na bilhan ako ng long pants. Finally, sa kauungot ko, nagpunta kami sa palengke para bumili! I'm so happy! Sa wakas, nagkaroon din ako ng long pants! I still remember the colour - red-orange with black prints ('yun ang uso noon!). My father bought me a matching top as well! Sabihin pa, I was not able to sleep that night!

Field trip day - I'm so excited hindi lang dahil sa pants ko kundi dahil na rin sa first time field trip ko 'yun! Para akong nasa cloud 9! Madaling araw pa lang ('di yata ako nakatulog) gising na ko! Ayos ang porma ko! Isang bus lang ang occupied namin dahil di naman kami marami. Hindi ko na halos matandaan ang mga pinuntahan namin except sa isang lugar… Ang ‘Nayong Pilipino’!

First time ko ring narating ang ‘Nayong Pilipino.’ Gandang-ganda ako dahil makikita doon ang miniature ng magagandang tanawin sa Pilipinas; gaya ng Mayon Volcano, Magellan Cross, Banaue Rice Terraces… atbp. Enjoy na enjoy talaga ako! I went to see the Rice Terraces with my classmate. Inihakbang ko ang isang paa ko paakyat sa terraces. Medyo mataas pero kayang abutin ng legs ko. Suddenly, I heard a creak! Hindi ko pinansin. Akyat pa rin ako! Then another creak! Oh my gulay!!! It was my new pants pala! Natastas ang tahi sa pundyo at pumaitaas na hanggang puwit!  Ano ba yan…? I don’t know what to do… People can see my undies! Hiyang-hiya ako sa mga tao...! Sa isip ko, paniguradong pagtatawanan ako at tutuksuhin ng mga classmates ko kapag nakita…! Hu! Hu! :( Hindi ko alam kung paano’ng paglalakad ang gagawin ko pabalik sa bus…Parang bigla akong pinagtakluban ng langit at lupa…! I tried to find something to cover my bum! Buti na lang may nakuha akong paper plate… So habang naglalakad ako, hawak ko si paper plate at pasimpleng nakatakip sa puwit ko…! Kapag walang tao sa likod ko, kunwari pamaypay ko si paper plate dahil mainit! Nakakahiya talaga! Salamat at tila hindi yata nakahalata ang mga kaklase ko na nabutas ang pants ko!

Oh well…very unforgettable talaga ang first long pants ko...! That's all for now! See yah! x

Monday, May 23, 2011

Luho

"Ayokong masanay sa mga bagay na p'wede namang wala sa buhay ko..." - Bob Ong

I remember when we were kids... pumupunta pa kami sa kapit-bahay para lamang makipanood ng 'Wild Wild West' sa television. And that only happened whenever my father is not around. Kapag nariyan s'ya kasi, siguradong sermon ang aabutin namin.  

Gustung-gusto ko noon na magkaroon kami ng sarili naming tv para 'di na ako nakikipanood sa kapit-bahay. Ang hirap kasing makipanood... kapag may sipon ka at suminghot, nag-rereact kaagad ang anak ng kapit-bahay namin.

Minsan tinanong ko si mother kung bakit wala kaming tv. Sabi n'ya, "May pera man tayo o wala, your father will not buy a television dahil makakasira lamang iyon sa concentration ninyo sa pag-aaral." No comment na lang ako... kung sa bagay, hindi naman necessity ang tv at p'wede naman akong mabuhay ng wala kami noon. So tiis na lang... at makuntento na lang sa pakikinig kay 'Tia Dely' sa hapon at 'Beinte Quatro Oras' tuwing gabi...

Naiisip ko minsan, kahit salat kami sa maraming bagay noon, masaya kaming magkakapatid. We learn to appreciate things... little things... simple things... Naalala ko pa ang dessert namin - lemon candy, yung lima singko. Lima kaming magkakapatid so, tig-isa kami. Minsan hati-hati sa isang bukayo! Enjoy na enjoy na kami! :o) Ha! ha! Until now, hindi ko pa rin nalilimutan ang contentment na minsan kong naramdaman sa buhay ko... and ang sarap ng feeling - naiiba!!!

Anyway, nagkaroon din kami ng tv (sa wakas)! Yun nga lang 'di ko na rin na enjoy dahil nung time na 'yun nasa Manila na ako at nagtatrabaho...