I never had a long pants when I was a kid. Well, not until I reached my 6th grade in school. Mayroon kaming field trip noon sa Manila before graduation, and s'yempre pa, mas comfortable ang nakapants sa ganoong occasion. I nagged my father, (mas malakas kasi ako kay papa kaya s'ya ang inuungutan ko) :) na bilhan ako ng long pants. Finally, sa kauungot ko, nagpunta kami sa palengke para bumili! I'm so happy! Sa wakas, nagkaroon din ako ng long pants! I still remember the colour - red-orange with black prints ('yun ang uso noon!). My father bought me a matching top as well! Sabihin pa, I was not able to sleep that night!
Field trip day - I'm so excited hindi lang dahil sa pants ko kundi dahil na rin sa first time field trip ko 'yun! Para akong nasa cloud 9! Madaling araw pa lang ('di yata ako nakatulog) gising na ko! Ayos ang porma ko! Isang bus lang ang occupied namin dahil di naman kami marami. Hindi ko na halos matandaan ang mga pinuntahan namin except sa isang lugar… Ang ‘Nayong Pilipino’!
First time ko ring narating ang ‘Nayong Pilipino.’ Gandang-ganda ako dahil makikita doon ang miniature ng magagandang tanawin sa Pilipinas; gaya ng Mayon Volcano, Magellan Cross, Banaue Rice Terraces… atbp. Enjoy na enjoy talaga ako! I went to see the Rice Terraces with my classmate. Inihakbang ko ang isang paa ko paakyat sa terraces. Medyo mataas pero kayang abutin ng legs ko. Suddenly, I heard a creak! Hindi ko pinansin. Akyat pa rin ako! Then another creak! Oh my gulay!!! It was my new pants pala! Natastas ang tahi sa pundyo at pumaitaas na hanggang puwit! Ano ba yan…? I don’t know what to do… People can see my undies! Hiyang-hiya ako sa mga tao...! Sa isip ko, paniguradong pagtatawanan ako at tutuksuhin ng mga classmates ko kapag nakita…! Hu! Hu! :( Hindi ko alam kung paano’ng paglalakad ang gagawin ko pabalik sa bus…Parang bigla akong pinagtakluban ng langit at lupa…! I tried to find something to cover my bum! Buti na lang may nakuha akong paper plate… So habang naglalakad ako, hawak ko si paper plate at pasimpleng nakatakip sa puwit ko…! Kapag walang tao sa likod ko, kunwari pamaypay ko si paper plate dahil mainit! Nakakahiya talaga! Salamat at tila hindi yata nakahalata ang mga kaklase ko na nabutas ang pants ko!
Oh well…very unforgettable talaga ang first long pants ko...! That's all for now! See yah! x
Must have been bought at Divisoria
ReplyDelete